If this day was a person, I’d hug her. :”)
Umaga pa lang, tamad na tamad na’ko bumangon. 8AM pa lang ata, nagising na’ko. Tinanong ko lang si Ann at si Mai kung anong oras kami magkikita tapos natulog na ulit ako. Ayoko na sana umalis, kaso nasabi ko na eh. Kailangan ko na talaga.Nagmadali na lang ako. Late na kasi, hindi na’ko nag-ayos. Basta basta na lang ako umalis. :))) 1:40PM na kami nakarating ng SM, leche, gutom na gutom na kami. Hahaha. Tapos ‘yon, pumunta na kami sa meet-up. May mga nakasundo agad kami. Hello, sa kalog ba naman naming ‘to. Hahaha, ang hyper ko lang. Ayon, nagsimula na. Medyo may fail part lang kasi ang gulo, pero masaya pa din. Masaya kasi mga kasama ko. :)))) Gumawa ng activities. Hello Group 4. :* Tapos, by 4:30PM, umuwi na’ko. Kailangan kasi, 5PM nasa bahay na’ko. Sisimba pa kasi kami.
Sa kasamaang palad, 5:30 na’ko nakarating ng Tagaytay kaya dumeretso na’ko sa simbahan. Ang saya ko lang, kasi piniem ako ni crush nung nasa byahe pa ko. Dapat kasi, magkikita kami ngayon, kaso may praktis siya. Tinanong niya lang naman kung nagenjoy naman daw ba’ko. :))) Duh, bihira kasi magPM ‘yon. Nanghinayang pa siya kasi nung nasa SM siya, nasa bahay pa’ko. Halalalalala.~ KDot. Wala lang.
Natapos yung mass, at di ako pinagalitan. Kahit na 30 minutes late ako. Tapos ‘yon, nagdinner kami sa Razon’s. Gusto ko kasi ng Halo-Halo kaya dun kami kumaen. Ayon, masaya. Andami kong kwento sa kanila. Ubos na nga laway ko, buong maghapon akong dumadaldal. :)))
Andaming nangyare, kaso ang haba naaa. :))) Wala akong kwenta magkwento. :))) Hello sa lahat ng mga nakilala ko at nakasama. :*